Dagupan City – Muling nakamit ng Boston Celtics ang kampyeonato matapos ang 16 na taon na huling laban sa koponan ng Los Angeles Lakers.
Kung matatandaan nangyari ang paghaharap ng Celtics at Lakers noong hunyo 17, 2008 kung saan nagtapos ito sa 4-2 bentahe.
At sa eksaktong pagkakataon hunyo 17, 2024 sa pangunguna ni Boston Celtics coach Joe Mazzulla naiuwi ng koponan ang Larry O’Brien Championship Trophy.
Sa naturang laro, itinanghal naman si Boston Celtics shooting guard Jaylen Brown bilang MVP o Most Valuable Player para sa NBA Finals 2024 kung saan ay nagbigay ito ng 21 points para sa pagkapanalo ng kaniyang koponan.
Samanatala, nagpakita naman sina Jason Tatum ng double double performance na may kabuo-ang 31 points, 8 rebounds, 11 assists, at 2 steals.
At isa ring double double performance para kay Jrue Holiday na may kabuoan 15 points, 11 rebounds, 4 assists, at 1 block.
Ibinahagi naman ni Harold Villarosa Mortel, Bombo International News Correspondent sa Boston kung paano nila ipinagdiwang ang selebrasyon.
Aniya, isa itong kasaysayan at hindi malilimutan ng mga taga-hanga ng naturang koponan. Binigyang diin naman nito na deserving ang Celtics sa kampyeonato dahil na rin sa ipinakita nilang galing sa laro.
Samantala, nakapagbigay naman si Dallas Mavericks point guard Luka Doncic ng double double performance na may 28 points at 12 rebounds sa kaniyang unang paglabas. Habang nagbigay naman ng 15 points si Kyrie Irving.