BOMBO RADYO DAGUPAN – “Dapat iprayoridad ang pagpapalakas ng lokal na produksyon at hindi importasyon”
Yan ang ibinahagi ni Cathy Estavillo – Spokesperson, Bantay Bigas ukol sa upgraded palay procurement na target ng National Food Authority sa unang anim na buwan ngayong taon.
Aniya na talaga namang bibili ng palay ang NFA ngunit kasabay nito ay dapat umayon sila sa anumang klase ng ibebenta ng mga magsasaka.
Kapag freshly harvested o sariwa ang ibinebenta dahil sa kakulangan ng biladan o mechanical dryer dapat aniya ay may direktang bibili sa mga magsasaka gaya na lamang ng paglalagay ng buying station sa mga barangay.
Hindi lamang simpleng pag-uupgrade ang kailangan ngunit ang pagpapalakas ng lokal na produskyon sa bansa. Mangyayari lamang ito aniya kung tutugunan ang ang kakulangan ng lupang sakahan, pagsiguro na hindi maagaw sa kanila ang kanilang lupain gayundin ang pagbibigay ng subsidiya sa ating mga magsasaka dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng cost of productions.
Dagdag pa ni Estavillo na kung talagang seryoso ang gobyerno ukol dito ay palawakin ang tunay na reporma sa lupa at gawing prayoridad ang pagpapalakas ng lokal na produksyon at hindi importasyon.