Sinisi ng Kilusang Mayo Uno ang pamahalaang Pilipinas sa hindi pagtugon sa problemang mga mangagagwa sa bansa sa pagkakabilang ng Pilipinas sa listahan ng International Trade Union Confederation’s top 10 worst countries for workers.
Ayon kay Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, kaya palaging nasa listahan ang bansa sa loob ng matagal na panahon dahil hindi gumagawa ng hakbang ang kasalukuyang administrasyon upang unti unti sanang maresolba ang mga problema na isinampa nila noong 2023.
Batay aniya sa review ng committee on application of standards sa katatapos na 112th international conference ng International Labour Organization sa Geneva, napatunayan na walang sinunod ang gobyerno sa mga rekomendasyon nila at ito ay binalewala lamang.
Binanggit din ni Adonis si Department of Labor and. Employment (DOLE) sec. Bienvenido Laguesma na balat sibuyas na walang ginagawa.
Tinukoy din ni Adonis ang ilang problema sa kanilang hanay na hindi natutugunan at walang nangyayaring pag usad sa kaso gaya na lamang ng pagkakakulong pa rin ng 28 na mga labor leaders at organizers at ang mga kasong pagpatay at pagdukot kung saan pinakahuli ay ang pagpaslang umano sa beteranong organizer na si Jude Thaddeus Fernandez dahil lamang sa aligasyon na may kaugnayan sa CPP -NPA ganundin sa pagpapaaresto sa isa rin nilang organizer na hindi pa pinapakita sa pamilya at publiko.