Dagupan City – Umabot na sa higit 12 libong acres statewide ang napinsala ng wildfire sa Gorman California.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gabriel Ortigoza, Bombo Intenational News Correspondent sa USA, nagsimula ang sunog sa nasabing bahagi noong hapon sa araw ng sabado hanggang mabilis na itong kumalat dala na rin ng malaks na hangin.

Aniya, wala namang naitatalang suffocation sa insidente dahil mabilis din ang aksyon at ginawang evacuation ng mga awtoridad.

--Ads--

Dagdag pa rito ang ginagawang pag-bulldozer ng mga truck sa kanila upang maiwasan ang pagkalat pa ng apoy, sapagkat ang mga talahib doon ay tuyot na.

Kaugnay nito, inasahan na anila nila na mangyayari ang wildfire, dahil sa katatapos lamang ng spring sa kanilang lugar at naitatala talaga ito kapag summer season.

Isa naman sa nakikitang dahilan kung bakit naitala ang pagkasunog ay dahil sa pagkidlat o ang mga naiiwang upos ng usok ng mga nagcacamping sa lugar.

Samantala, hindi naman aniya ito nakikitang malaking dagok sa sektor ng agrikultura sa kanilang bansa, dahil isa nag California sa sentro ng agrikultura sa Estados Unidos. Sa katunayan aniya, nasa tinatayang 12% o pababa pa ang datos nito sa kanila.