Dagupan City – Naging makabuluhan ang kamakailang isinagawang pagpupulong sa bayan ng Sam Nicolas sa pagitan ng DENR-Community Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ng kanilang Officer-in-Charge Rico Biado, Mayor Alicia Primicias Enriquez, at Eddie Mateo ng Municipal Environment and Natural Resources Office.

Tinalakay dito ang mga mahalagang hakbang upang muling buuin ang Multi-Sectoral Forest Protection Committee sa Pangasinan.

Ayon kay Biado, layunin ng pagbuo ng komite na magbigay ng suporta sa pangangalaga ng mga kagubatan sa lugar.
Inaasahan dito na makakatulong ito sa pagpigil ng ilegal na pagtotroso, pag-aresto sa mga ilegal na transportasyon ng kagubatan, at pagsupil sa sunog sa kagubatan.

--Ads--

Sa nasabing pulong, binigyang-diin din ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat sektor na maging bahagi ng komite.

Naglalayon ng nasabing proyekto na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng mga kagubatan sa Pangasinan lalo na bayan.

Ang hakbang na ito ay isa lamang sa mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng kalikasan upang mapanatili ang kagandahan at kahalagahan ng kalikasan sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat, patuloy na mapangalagaan at mapanatili ang kalikasan para sa kasalukuyan at hinaharap ng mga susunod na henerasyon.