Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang budget forum sa pamahalaang lungsod ng Alaminos.

Ang participatory budgeting ay dinaluhan ng mga department heads, section chiefs, Sangguniang Panlungsod members, at kinatawan ng ilang line government agencies at civil society organizations sa ating lungso.

Pinangunahan naman ito ni Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste kasama si City Vice Mayor Jan Marionne Fontelera at City Budget Officer Rowena Ruiz.

--Ads--

Layunin ng naturang aktibidad na tiyaking wasto at epektibo ang pamamahala sa pondo ng pamahalaang lungsod.

Ito rin ay mahalagang bahagi ng budgeting process kung saan masusing tinalakay ang 2025 proposed annual budget, ang comparative at projected income, ang local expenditures program at ang mga priority Programs Projects and Activities (PPAs) ng pamahalaang lungsod at ng ating national government, para sa susunod na taon.

Target din nito na mas maagang ma-aprubahan ng lungsod para sa 2025 upang masiguro na inclusive at maayos ang paggamit ng pondo at maipagpapatuloy ang pagsasakatuparan ng mga magagandang programa at proyekto sa paghahatid ng tulong at de-kalidad serbisyo para sa lahat ng residente.