Dagupan City – Naglunsad ang 702nd Infranty Brigade ng Peace and Community Environment Program.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay 2nd LT. Elinor Impang, Support Platoon Leader 702nd Infrantry Brigade Manaoag Pangasinan, layunin ng programa na makahikayat ng mga residente ng lalawigan ng Pangasinan ng libreng pagtuturo upang maging skilled ang mga ito sa kanilang trabaho nang walang binabayaran.
Aniya, nakikita itong daan sa pagbibigay ng pagtataguyod ng kaunlaran sa job oppurtunities at mapataas ang employment rate sa bansa.
Ayon naman kay Technical Sgt. Reynaldo Bautista, Civil Military Operations NCO 702nd Infrantry Brigade Manaoag, Pangasinan, isa sa mga kailangan upang makasali sa mga mapapabilang ay ang birth certificate. Habang ang qualifications naman nito ay baccalaureate degree holder, natural-born Filipino Citizen, Single statuts, Physically and mentally fit, walang pending cases sa korte, at hindi bababa sa 21 taong gulang at hindi naman tataas sa 27 taong gulang.
Kaugnay nito, may mga benepisyo ring nakatakdang makuha ang mga sasailalim sa programa gaya na lamang ng libreng pagkain, health care, P2,000 pantawid, NCII, at iba pang processing fee para sa mga iba pang kaukulang dokumento sa loob ng 15 araw.