Dagupan City – Nagsagawa ng mga iba’t ibang aktibidad ang Municipal Environment and Natural Resources Office sa bayan ng Infanta.
Ang inisyatiba ay kaugnay sa selebrasyon ng Environment month ngayong buwan.
Isa sa kanilang mga naging habkang ay ang pagpapalaya at pagbabalik sa natural na tirahan ng isang babaeng bayawak o monitor lizard at forest turtle.
Napag-alaman na ang nasabing mga buhay-ilang ay dating nasa pangangalaga ng residente mula sa barangay Patima at Babuyan at kinalaunan ay nakipag-ugnayan na lamang sila sa Infanta Maritme. Matagumpay naman itong naisurender sa opisina ng tanggapan.
Patuloy naman ang pangangampanya at pagpapakalat ng kaalaman ng mga ito partikular na sa pangangalaga ng kalikasan at ang pagbibigay diin sa Batas na RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.