BOMBO DAGUPAN- Kabilang ang Pilipinas sa ‘short-listed countries’ bilang kabahagi sa International Labour Organization (ILO).

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joana Bernice Coronacion, Head of Philippine Workers’ Delegation International Trade Union Confederation, nangangahulugan umano ito na isa ang Pilipinas ang napili mula sa ‘long-list countries’ na nakapaglabag sa ‘ILO Convention 87 on the right of freedom of association’.

Patunay aniya ang mga panghaharass sa mga lider ng union na hindi malayang maipakita ng mga manggagawa ang kanilang karapatan sa pagsali o pagpili ng union.

--Ads--

Maliban diyan, nakabilang din ang bansa sa ‘short-list’ ng Committee on Appreciation Standards. Hindi pa umano kase natutugunan ang mga trade union hearing noong 2019-2023.

At sa ngayon ay nasa 72 na ang bilang ng mga recorded na pagpaslang sa mga miyembro ng union na siyang kanilang ikinababahala.

Kaugnay nito, makakaapekto kase ito sa usapin ng kalakalakan ng bansa, partikular na nasa ilalim ng General Scheme Prefference para maging libre ang taripa ng mga produkto ng bansa sa EU countries.

Dahil dito, nagkaroon ng rekomendasyong ILO High Level Tripartite Mission na magkaroon ng Single Presidentiary Mandated Body para mapigilan at maimbestigahan ang nararanasang harassment sa mga trade unions sa bansa.

Gayunpaman, marami ang rekomendasyon sa bansa subalit wala pang natatamasa ang bansa kaya nananatili ito sa ‘short-list’ hanggang 2024.

Samantala, apat na agenda ang tinalakay ngayon sa International Labour Organization (ILO) sa Geneva, Switzerland

Nauna sa pinag-usapan ay ang ‘standing order’, tinitiyak nito na masusunod ng mga bansang nag-commit ang ‘international labour standard’, kabilang na dito ang pag-union.

Pinag usapan din aniya ang Decent Work and Care Economy, nakapaloob dito ang standard setting pagdating sa proteksyon laban sa biohazzard, gayundin ang mga prinsipyong karapatan ng mga manggagawa.

Taon taon naman isinasagawa ito kung saan ngayon taon, nagsimula ito noong June 3 hanggang June 14.