BOMBO DAGUPAN- Aabot umano sa 600,000 metric tons na palay ang maaring mabili ng National Food Authority na pasok sa kanilang P15-billion budget.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, maliit lamang ito dahil maaaring aabot lamang sa 12,000 metric tons ang maaani ng mga magsasaka.
Kaya kung hindi naman bibili ang trader at dealer, hindi din makakayang mabili ang total harvest.
--Ads--
Samantala, nabigyan linaw si Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. sa rebugging ng NFA na idaan sa kadiwa ang subsidized na P29 na bigas.
Sinag-ayunan ito ni Engr. So upang masuportahan ang kalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan.