BOMBO DAGUPAN- Maaaring umabot sa 10-million metric tons ang palay output sa June hanggang December.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, higit pa umano ito sa kanilang unang estimasyon na 2-million MT dahil sa makakaapekto sa presyo ng palay ang planong pagbaba ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa taripa ng imported rice.
Makakabawas kase ito ng pagtanim ng palay sa ating bansa dulot ng pagdami ng pagpasok ng imported na bigas.
Pinabulaanan naman ni So ang naging pahayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na bababa sa P25 ang presyo ng bigas kung bababa din sa 15% ang taripa.
Base kase sa kanilang komputasyon, kailangan nasa $315 ang presyo ng bigas mula sa pag-angat upang maabot ang P29 na bigas, subalit, nasa $590-$600 ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Batay naman sa kanilang samahan, katuwang ang Department of Agriculture, posible lamang ang presyo na ito kung magbibigay ng sabsidiya ang gobyerno.
Kaya kanilang kinekwestyon sa ngayon ang ginawang proseso ng NEDA kaugnay sa inilabas nilang pahayag sa pagbaba ng taripa.
Wala naman kase aniyang nagpasa ng petisyong upang ibaba ito.