BOMBO DAGUPAN- Hindi suportado ang Federation of Free Workers ang panawagan ng mga ilang workers group na pababain na sa posisyon bilang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) si Bienvenido Laguesma, ngunit, nirerespeto pa rin nila ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers, hindi sapat ang “disagreements” ng mga manggagawa kay Sec. Laguesma upang ipanawagan ang pagbaba nito.

Kabilang na kase rito ang pagpapatupad lamang sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang pagtaas ng P150 na sahod.

--Ads--

Subalit, inilinaw naman umano ni Laguesma na hindi nila haharangin kung mas pasa naman ang senado kaugnay sa national wage increase.

Kaya hinihiling ng Federation of Free Workers na pabilisin na ni House Speaker Romualdez ang pagpapasa ng Counterpart bill sa P150 proposal ng senado.

Aniya, maaari din sa patuloy na naitatalang pagpaslang sa mga trade union leader sa ilalim ni Laguesma ang pinanggalingan ng kanilang isinisigaw.

Subalit, mas mababa naman aniya ang bilang ng mga ito ngayon kumpara noong administrasyon ni Duterte.

Gayunpaman, hinihiling ni Atty. Matula na mahinto na ang mga pagpaslang at maprotekatahan na ang mga manggagawa partikular na sa red tagging.

Para naman kay sa kaniya, maraming mga kaso o labor disputes ang natutukan ng DOLE at naresolbahan sa ilalim ni Laguesma.