DAGUPAN CITY — Talagang mamamatay ang negosyo.
Ito ang naging sentimyento ni Val Decena, isang Bangus Growe sa bahagi ng Lucao, Dagupan, matapos matangok ang mga alaga nitong isda.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na malaki ang nalugi sa kanya matapos ilang bangka ng mga natangok na isda ang kanilang kailangan iahon mula sa kanilang mga palaisdaan.
Aniya na ang mga tangok na bangus ay mahirap ibenta at kahit pa may mga bumili nito ay napakamura lamang ng presyo nito kaya naman ay napakalaking halaga ang nalulugi sa kanila.
Saad pa nito na kalahati sa mga inaahon nilang mga isda ay hindi na rin maaaring ibenta dahil nabubulok na ang mga ito at hindi na rin maaaring kainin o ibenta.
Aniya na bawat fish pens naman ay nilalagyan nila ng water pump upang masuportahan ang lebel ng oxygen sa mga palaisdaan.
Ngunit dahil na rin sa El Niño ay hindi maiiwasan ang pag-init ng temperatura ng tubig sa mga pangisdaan.
Samantala, umaasa naman sila na hindi na madaragdagan pa ang mga natatangok na isda upang hindi na maapektuhan pa ng labis ang kanilang kabuhayan.
kaugnay nito ay humihiling naman sila ng tulong sa pamahalaang panlungsod ng Dagupan para sa agarang interbensyon.