Dagupan City – Binatikos ang bagong kasal matapos pagbayarin ang mga bisita sa kanilang mga kinain sa reception.
Isa kasi sa mga inimbita sa kasalan ang nag-share ng invitation sa private social media group at tinawag itong “wedding shaming.”

Ayon sa invited person, nakalahay mismo sa monochromatic blue design ang malinaw na mga detalye ng seremonya, kabilang na ang arrival time, address, at maging ang “smart casual” dress code.

Naglagay rin ang bride at ang groom ng note na nagsasabing huwag nang magbigay ng mga tradisyunal na regalo, at sa halip, mag-ambag na lang para sa magagastos ng couple sa handa.

--Ads--

Bukod pa diyan, nakalagay rin umano kung magkano ang presyo ng pagkain depende sa edad.

Para sa adult na bisita, ang charge ay US$40 o P2,341 at kung ang bisita naman ay bata pa at edad 12 pababa, ang charge ay US$20 o P1,170.