DAGUPAN CITY- “Hindi man maibabalik nag oras, maaari pa rin ma-reistablish ang kalikasan”
Ganito ang naging pahayag ni Engr. Raymuno Gayo, Assistant Regional Director, Management Services-Department of Environment and Natural Resources Region 1, kaugnay sa pagsasakatuparan sa pagmandato ng departamento, katuwang na din ng media at local government units, na ipakita ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan at sa likas yaman.
Aniya, sinusubukan nilang palakasin pa ang kalikasan sa rural at urban areas sa pamamagitan ng degreening.
Nakatulong aniya sa kanila ang pagkamulat ng bawat isa sa kahalagahan ng pangangalaga nito.
Umaasa naman ang kanilang kagawaran ang tuloy-tuloy na pagtutulungan partikular na sa gobyerno at media.
Kabilang na dito ang pagpapatupad ng mga lokal na pamahalaan ng tamang kalinisan sa kanilang nasasakupan.
Samantala, “Our Environment, Our Future” naman ang tema ng selebrasyon ngayon buwan.
Ipinagdidiwang ang Philippine Environment Month Celebration tuwing buwan ng Hunyo base sa procalamation no.237 ni President Corazon Aquino noong April 4, 1988.
Dagdag pa nito, pinapaalalahan niya na kailangan panatilihin ang likas na yaman at kapaligiran para sa magandang kinabukasan.