DAGUPAN CITY- Malaking tulong ang pagdating ng tag-ulan upang maibsan ang paggamit ng kuryente.
Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng Central Pangasinan Electric Corporation, mababawasan na din kase ang paggamit ng mga konsumer ng appliances dulot ng malamig na panahon.
Subalit, maaaring mataas pa ang billing sa buwan ng hunyo dahil parte pa nito ang ilang bahagi ng Mayo. Mararanasan ang pagbaba ng bayarin sa pagdating ng buwan ng hulyo.
Pinaghahandaan na din ng kanilang himpilan ang pagdating ng tag-ulan upang maiwasan ang hindi inaasahan pagkawala ng kuryente.
Pinapalitan aniya nila ng bakal o concrete pole ang mga lumang poste na gawa sa kahoy, gayundin sa pagpuputol ng mga sanga ng puno na malapit sa linya ng kuryente.
Pinaalalahan naman ni Corpuz na huwag basta-basta magputol ng mga kahoy na malapit sa liny ng kuryente dahil maaari lamang ito magdulot ng electrical shock sa makakahawak.
Mas mabuti aniyang idulog nalang ito sa kanilang himpilan upang makaiwas sa anumang kapahamakan.