BOMBO DAGUPANNais bigyang pansin ng Department of Education ang matagal nang hinihinging omento sa sweldo ng mga guro, kabilang na ang 50,000 entry level.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, Chairman ng Teachers’ Dignity Coalition, pinag-aaralan na ito ng kagawaran ng edukasyon at ng Department of Budget and Management subalit nagiging matagal ito.

Nakasaad aniya sa Magna Carta for Public School Teachers ang awtomatikong adjustment ng mga salary ng guro depende sa pagtaas ng inflation. Kaya dapat nagkakaroon ng regular na pagtaas ng sweldo ng mga guro.

--Ads--

Samantala, madodoble na sa 2025-2026 ang Teaching Allowance o dating local allowance.

Maliit man ito ngunit pagkilala na ito sa karagdagang allowance ng mga guro.

Kaya ani Basas, ipinagpapasalamat nila ang pag apruba ng gobyerno sa Kabalikat sa Pagtuturo Act.