BOMBO DAGUPAN– Parang dinamay umano sa pagbagsak ng Department of Health noong pandemya ang mga hospital.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza, President ng Alliance of Health Workers, ipinagtataka nila nang ipinag-isa na lamang ang grading system ng mga ospital sa kanilang performance.
Mayroon naman aniyang iso accreditation upang malaman ang magandang pamamalakad sa isang ospital.
At dahil dito, naaapektuhan aniya ang evaluation para sa rating ng kanilang performance based bonus sa taong 2021 hanggang 2023.
Sinabi din ni Mendoza na marami pa din ang umaasa sa mga working at retired health workers sa kanilang benepisyo.
Malaki din aniya ang maitutulong nito upang mapalakas pa ang morale ng mga health workers na magpatuloy sa kanilang trabaho.
Ngunit, hanggang sa ngayon ay mabagal pa din ang progreso ng pagbibigay nito.
Kahit pa aniya ang hinihinging Health Emergency Allowance (HEA) Mapping ng Department of Budget and Management mula sa kagawaran ng kalusugan ay hindi mailabas.
Karamihan din kase sa mga pribadong ospital ay hindi pa nakakatanggap ng kanilang Health Emergency Allowance.