BOMBO DAGUPANNakukulangan ang Health Workers sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman sa papanagutin kaugnay sa paglipat ni Dating Presidente Rodrigo Duterte ng P47.6-billion COVID funds sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza, President ng Alliance of Health Workers, maaari aniyang appointee kase ni Duterte si Ombudsman Samuel Martires kaya hindi ito isinasangkot sa mga kailangan managot.

Ayon aniya kay Martires, walang sapat na ebidensyang makakapagtukoy na kailangan managot ang dating presidente, gayunpaman, base sa pahayag ni Former Secretary of Health Francisco Duque III na mula kay Duterte ang kautusang paglipat nito.

--Ads--

Ani Mendoza, marami nang nilabag na batas ang dating pangulo kaya dapat na itong managot sa kasalanan nito, kabilang na ang mga ibang nasangkot.

Maliban dito, marami din aniyang mga nadamay at nawalan din ng trabaho dahil sa nasabing procurement.

Samantala, naging mabagal man ang progreso ng kaso, hinihiling naman ni Mendoza na lalo pa itong pagtuonan ng pansin at mapatawan ng kaparusahan ang mismong may sala.