DAGUPAN CITY- Isang malaking planta na nagforce power outage ang nagdulot ng pagkalawa ng kuryente sa ilang bahagi ng bansa kamakailan, partikular na dito ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng Central Pangasinan Electric Corporation (CENPELCO), upang tugunan ito, nagpatupad ang kanilang korporasyon ng Manual Load Dropping sa kanilang nasasakupan noong nakaraang sabado kung saan 12 bayan ang naapektuhan.

Ipinaliwanag ni Engr. Corpuz, nagtataas ng Yellow Alert ang National Grid Corporation of the Philippines sa tuwing numinipis ang reserba ng suplay kumpara sa kinakailangang demand.

--Ads--

Ito aniya ay isang paalala na kinakailangan ng pagtitipid sa paggamit ng kuryente dahil sa kritikal na lebel ng suplay.

Subalit, lalo din aniyang tumataas ang demand lalo na sa tuwing tag-init dahil sa pangangailangan ng mga consumer.

At dahil dito, maaari aniyang tumaas sa Red Alert kung saan mas tumataas na ang demand kumpara sa suplay.

Dito na aniya ipinapatupad ang Manual Load Dropping upang mapanatili ang integrity ng system operator at maiwasan ang mas malawak na pagkawala ng kuryente.