BOMBO DAGUPAN- Nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng kuryente para maabot ang demand ng mga consumers dahilan upang magkaroon ng manual load dropping kamakailan sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon kay Atty Randy Castilan Legal Officer, Decorp sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang naataasan para ibalanse at ipreserve ang integrity ng Luzon grid system. Ang manual load dropping nga ay nangyayari kung ang projected demand at available capacity o suplay ay hindi kayang tugunan ang demand ng mga consumers kung saan ang system operator o NGCP ay nagtatanggal o nagbabawas ng substation na pwedeng tanggalin sa system upang maabot ang demand.
Aniya na ang NGCP ang nagpapatupad ng mga manual load dropping at hindi mga cooperatives gaya ng Decorp dahil system operator ang incharge sa nasabing pangyayari.
Kaugnay nito ay talagang nagkukulang ang suplay lalo na kapag gabi dahil ang mga solar power plants ay nawawala na sa kabuuan ng suplay dahil nagkakasuplay lamang ito tuwing umaga.
Ang red alert nga na naranasan ay nangangahulugan na wala ng available na suplay para maabot ang demand samantala ang yellow alert status naman nangangahulugang may suplay pa ngunit hindi sasapat sa projected demand ng consumers.