Dagupan City – Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na hindi vacation leave ang US trip ng ilang mga department heads at elected officials’ ng lalawigan.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, layunin nito na masuri ang benchmarking sa bansa.
Sa katunayan aniya, may ipinadalang imbitasyon sa Provincial Government mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG at ito ay kaugnay pa rin sa isineselebrang 126th Anniversary ng Philippine Independence.
Ang US trip ng mga opisyal ay kinabibilangan ng mga Tourism Officer, Budget Office, Public Employment Service Office (PESO), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga kooperatiba ay mananatili sa Estados Unidos mula noong Hunyo 1 hangang 9 (2024).
Nauna nang binigyang diin ng Bise gobernador na hindi lahat ng mga department heads ay kasama sa US Trip at sa katunayan aniya 8 lamang ang kinuha rito at 10 miyembro naman ang galing sa board.
Samantala, iginiit naman nito na hindi vacation leave ang pinunta ng Sangguniang Panlalawigan at patuloy pa rin ang kanilang trabaho.