Dagupan City – Mga kabombo! Labasan na naman ng kakaibang mga idea kung ano nga ba ang ireregalo sa mga graduates at completers ngayon.
Kung sa bansang Pilipinas, viral ang money boquet at money garland.
Aba! Ibahin niyo ang newly graduate na isang probinsiya sa China.
Paano ba naman kasi, lahat ng kaniyang mga kaklase ang bitbit ay naglalakihang bouquet.
Ngunit ang probinsyang ito, hindi lang bouquet of flowers ang bitbit kundi, isa ring roasted duck bouquet.
Ayon sa caption sa isang social media post, ang graduation ceremony ay ginanap sa Guangdong province, kaya hindi nakapagtataka kung inabutan ng roasted duck ang babae dahil traditional Cantonese delicacy ito.
Sa isa video, makikita ang babae na nakasuot ng kanyang graduation robe at inabot sa kanya ang roasted duck.
Maririnig naman sa kaniyang background ang tawanan.
At imbis na mahiya, proud na proud din ito at todo poised pa habang hawak-hawak ang dalawa niyang bouquet.
Samantala, may ilang Pilipino ang nagkomento na sana raw ay hindi ito mauso sa Pilipinas. Dahil biro ng netizen, mahihirapan kasi ang graduates kapag reregaluhan ito ng lechon bouquet.