Dagupan City – Viral ngayon sa social media ang larawan ni Deniece Cornejo kung saan ay isinelebra nito ang kaniyang kaarawan sa loob ng kulungan.

Nito lamang kasing sabado, hunyo 1, 2024, ipinagdiwang ang ika-33 na kaarawan ni Deniece, at sa pangalawang pagkakataon na ginunita ang araw ng kanyang kapanganakan sa loob ng bilangguan..

Matatandaan na unang naranasan ni Deniece na gunitain ang kaniyang kaarawan sa loob ng kulungan noong nag-23 siya, Hunyo 1, 2014, kung saan ay nakapiit ito sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

--Ads--

Kung saan ay humarap ito sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya, na may kaugnayan pa rin sa insidenteng nangyari sa Forbeswood condominium building, Taguig City, noong Enero 22, 2014.