BOMBO DAGUPANGasgas na retorikang pahayag ng gobyerno ang pagbaba ng taripa sa bigas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, wala itong kasiguraduhan dahil matagal nang ipinakong pagbaba ng presyo nito ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang nakikitang pagbabago.

Tiyak na itataas lamang aniya ng mga exporting countries ang presyo ng kanilang bigas sa world market.

--Ads--

Magdudulot lang din ito ng displacement sa hanay ng mga magsasaka ang pagbaha ng mga imported na bigas dahil aagawan nito ang locally-produced rice sa merkado.

At kung tuluyang matapiyasan ng taripa ang mga imported na bigas, ito naman ang papatay sa lokal na produkto ng bansa.

Sinabi ni Estavillo, hindi nagkakaisa ang gobyerno sa kanilang pangakong pagbaba ng presyo ng bigas. Kabilang na dito ang price ceiling ng bigas kung saan kinondena lamang ito ng mga retailers.

Iginiit naman niya na hindi simpleng ammendments ang sagot sa pagbaba ng presyo ng bigas, kundi ang pagbasura ng Republic Act 11203 o ang Rice Tarrification Law.

Ang simpleng pag aamyenda kase ay dumedepende pa rin sa presyo ng produktong bigas sa world market o sa government to government negotiations.