Dagupan City – Nasubukan niyo na bang masuspendi ang inyong mga driver’s license?

Nag-viral kasi online ang isang lalaki sa Estados Unidos.
Suspendido ang driver’s license nang dumalo ito sa online court hearing habang nagmamaneho?

Ayon naman sa ulat, kinilala ang lalaki mula sa Michigan, USA kung saan ay nabisto siya ng hukom.

--Ads--

Ayon sa Judge na si Cedric Simpson, ang akusado na si Corey Harris na nasa loob ng sasakyan kaya tinanong niya kung nagmamaneho ito.

Dahil dito, napilitan daw siyang itigil ang kaniyang sasakyan, at papunta raw sana siya sa doktor nang sandaling iyon.

Tila hindi kaagad nakapaniwala ang hukom sa pangyayari kaya tinanong niya ang isang partisipante sa pagdinig kung tama ba na ang kasong dinidinig niya ay kaso ni Harris na may kaugnay sa suspendido nitong lisensya sa pagmamaneho.

Napag-alaman naman ang pansamantalang nakalalaya si Harris dahil sa piyansa at humihirit sana ang kaniyang abogado na ipagpalipan pa sana ng apat na linggo ang pagdinig sa kaso niya.

Pero dahil sa pangyayari, kinansela niya ang piyansa ni Harris at inutusan ito na magpunta sa pulisya nang araw din iyon para madetine.