BOMBO DAGUPAN– Hindi muna tatanggap ng aplikante sa pagpapakabit ng linya ng tubig sa Carael, lungsod ng Dagupan ang PAMANA Water Disctrict Dagupan City upang hindi lalo mahati ang pressure nito.
Ayon kay Marge Navata, Spokesperson ng naturang Water District, naging problema sa nasabing barangay Island ang mahinang daloy ng tubig dulot ng maraming Concessionaire sa lugar.
Sobra sobra man ang higit 1-million water generation kada buwan para sa bilang ng concessionaires subalit nagiging mabagal ito dahil sa underground leaks.
Nakakaapekto din aniya ang paggamit ng mga ibang kabahayan sa ibang lugar ng jet-matic kaya bumabagal na ang daloy nito pagdating sa Carael.
Sinabi naman ni Navata na maaaring makatulong ang pagpapatayo ng Water resorvoir subalit inaalam pa kung saan ang magandang pagtatayuan nito.
Samantala, tiniyak naman ni Navata na mayroon pa ding mai-susuplay na katubigan sa mga kabahayanan. Isinusulong lamang nila ang water conservation o pagtitipid ng tubig upang hindi magkaroon ng kakulangan sa suplay.
Sa panahon ng tag-ulan, maaari aniyang magsalok ng tubig ulan upang magamit sa kabahayanan partikular na sa paglilinis.