BOMBO DAGUPANWalang baluarte ang mga miyembro ng senado lalo na sa mabababang kapulungan kaya hindi umano nila naririnig ang boses ng mga mamamayang Pilipino sa pagbabago ng sistema.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Orion Perez Dumdum, Lead Convenor/Principal Co-founder ng The Correct Movement, marami nang lumabas sa mga surbey kung saan nais nang baguhin ng mga Pilipino ang pagkakamali ng 1987 Constitution subalit hindi ito naririnig ng senado.

Aniya, mulat na kase ang kamalayan ng mga Pilipino sa masamang epekto ng kawalan sa investments. Ito ang kadahilanan umano sa pangingibang bansa ng mga Pilipino dahil sa kawalan ng trabaho sa loob ng sariling bansa.

--Ads--

Gayunpaman, sa higit 300 na sang-ayon na mga kongresista, nagiging mabagal ang proseso sa senado sa pagpapasa ng Constitutional Reform.

Ngunit sa pagbabago ng liderato sa senado, maaari aniyang magkaproblema muli sa mga naging boto dahil sa kani-kanilang pinapanigang liderato.

Ayon kay Dumdum, 18 votes o 3/4th ng 24 na boto sa senado ang kinakailangan upang tuluyang maipasa ang pagpapabago ng konstitusyon.

Samantala, kinakailangan na umano ito maipasa sa oktubre dahil mahahati ang atensyon ng mga politiko sa pagpapasa ng kanilang kandidatura para sa nalalapit na eleksyon.

Dapat aniya mapuwersa ang mga senador na maitulak ito upang hindi na mapag-iwanan pa ang Pilipinas kaugnay sa pagpasok ng mga foreign investors.