Dagupan City – Magandang pangitain.
Ganito isinalarawan ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa bansa ang umano’y ulat na nakatakdang magsampa ang pamahalaan ng Pilipinas ng reklamo sa China, dahil sa pagkasira sa kalikasang idinulot ng kanilang Coast Guard sa mga corals at bahura sa bahagi ng Sabina o Escoda Shoal.
Ayon kay Atty. Yusingco, bagama’t nakikita itong pag-asa ng bansa, aasahan naman ang kaakibat nitong epekto, gaya na lamang ng agresibong rekasyon ng China, at ang mas malawakang tensyong banta nito sa West Philippine Sea.
Binigyang diin pa ni Yusingco na marapat lamang na magkaroon ng malakas na maritime defense ang Pilipinas na siyang magsisilbing magtatanggol sa karagatan. Dagdag pa rito ang pagpapalakas din ng kagamitan ng maritime dahil sila ang mag-papatrolya at magbabantay.
Nauna nang nilinaw ni Yusingco na tama ang hakbang ng Department of Justice at ng Office of the Solicitor General dahil marapat lamang na kilalanin ng China ang Inernational law.