Dagupan City – Mga kabombo! Mahilig ba kayo sa burger?
Taong 1995 kasi nang mapagdesisyunan ng magkaibigang sina Casey Dean at Eduard Nits, na parehong edad 14 noon, ay pumasok sa branch ng fastfood sa Adelaide, Australia.
Kung saan ay bumili sila ng napakaraming burgers at nagpakasasa. Nang ma-realize naman nina Casey at Eduard na naparami masyado ang kanilang na-order, nagtira sila ng isang burger para sa kanilang kaibigan na bibisita sa kanila, pero hindi naman ito dumating.
Hanggang sa napagdesisyunan nina Casey at Eduard na ingatan na lang iyon at tingnan kung ano ang mangyayari paglipas ng panahon.
Ayon sa ulat, inilagay nila ito sa isang wooden box, at tinabunan ng mga damit na may napakainit na temperatura kapag summer.
Noong 2020 naman ay gumawa pa sina Casey at Eduard ng social media page para ipakita ang estado ng burger ngayong magtatatlong dekada na ito.
Ayon naman sa fastfood, may dahilan kung bakit tumagal ang iningatang Quarter Pounder nina Casey at Eduard. At anila, kapag kasi nasa room temperature umano ito, dahil hindi nagkakaroon ng moisture, hindi rin nagkakaroon ng bacterial growth, kung saan ay nanatili itong tuyo, at kalaunan ay nanigas na kaya lalong walang tsansa na kapitan ito ng bacteria na sisira rito.