DAGUPAN CITY- Aminado si Dagupan City Mayor Belen Fernandez na mayroon pa din mga ilang bahagi ng lungsod ang binaha sa unang pag-ulan nitong buwan ng Mayo.

Ayon sa alkalde, may mga bahagi pa ng lungsod ang hindi pa natatapos sa isinasagawang proyekto kabilang na dito ang ilang bahagi sa Tambac.

Nakasara aniya kase ang drainage doon at kanilang pinabukas lamang ito upang magkaroon ng daloy ang tubig baha.

--Ads--

Inaasahan naman nilang matutuloy sa hunyo ang pagpapataas ng daan at pagsasaayos ng drainage sa nasabing lugar.

Gayunpaman, naging mabilis naman ang agos ng tubig sa kabilang bahagi ng drainage sa A.B Fernandez.

Binaha din ang bahagi ng SM Mall dahil hindi pa din tapos ang isinasagawang drainiage nito at nagkaroon din pagbaha sa gilid ng malapit na bangko.

Sosolusyonan din aniya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbaha sa parte ng YMCA kung saan dadaloy ang tubig nito patungong Nazareth. Ginawan din aniya ng drainage ito patungong Lucao.

Samantala, sinabi din ng alkalde na nalalapit nang magsimula ang Phase 2 ng proyekto kung saan magiging konektado ang drainage patungong Magsaysay Bridge.

Maglalaan pa aniya ng P15-P20-million pondo para sa proyekto upang mawakasan na ang problema sa pagbaha.