Dagupan City – Naghahanda na ng hakbang Association of Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office upang maiwasan ang epekto ng banta ng tag-ulan at sakuna sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Robillos Disierto, Basista Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer at President ng Association of Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Officers malaking tulong ang pagsasaalang-alang ng mga pangunahing hakbang at preparasyon lalo na’t pormal ng pagdedeklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Ayon kay Disierto, nakapagsagawa na sila ng mga pagpupulong katuwang ang iba’t ibang mga opisyal ng Disaster Risk Reduction and Management Office at sa katunayan ay matagumpay na ring naisagawa ang mga unannounced earthquake drill sa bayan.

--Ads--

Dagdag pa nito, gumagawa na rin sila ng paraan para hindi na umabot pa sa risk alert ang tag-ulan gaya na lamang ng early warning systems.

Bagama’t kulang sa high-end equiipment ang kanilang nasasakupan, siniguro naman nito na kompleto ang kanilang basic equipment at sumailim ang kanilang mga personnel sa training at declared operations.