BOMBO DAGUPANPeriodic Review

Ito umano ang ipinangako ng senado nang pinirmahan ang pakikipagsapi ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership ng Free Trade Agreement kasama ang mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemyor, Chairman ng Federation of Free Farmers, isang taon nang kasapi ang Pilipinas ngunit hindi pa nakikitaan ng pag-review ng senado sa nakuhang benepisyo ng bansa.

--Ads--

Kaya kanilang ikinadismaya nang ipinahayag ni Secretary of Finance Ralph Recto na nais umano ng pamahalaan na babaan ang taripa ng mga imported na bigas.

Nagkaroon kase aniya ng commitment ang pamahalaan noong itinutulak pa ang RCEP na hindi nila gagalawin ang taripa ng mga sensitibong produkto partikular sa bigas.

Ani Montemayor, magdudulot kase ito ng pagbaba pa lalo ng presyo ng palay, maliban pa sa lalong pag-aangkat ng bansa ng bigas.

Malaki din ang magiging bawas sa makokolekta ng gobyerno sa mga bigas na inaangkat.

Ipinapanawagan naman niya na bilisan ng Senate Leader ang pagre-constitute ng mga miyembro at liderato upang mabigyan na ng pag-review ang RCEP.