BOMBO DAGUPAN — Bigong masungkit ng Dallas Mavericks ang 4-0 sweep laban sa Minnesota Timberwolves matapos silang kapusin ng puntos sa Game 4 ng Conference Finals sa score na 105-100.

Ang kabiguan sa parte ng Mavericks ay nangangahulugan ng isa pang laro sa series na gaganapin nitong Huwebes sa Minnesota.

Pinangunahan ni Dallas Point Guard Luka Doncic ang koponan kung saan umiskor ito ng 8 puntos mula sa 10 puntos ng Mavericks sa unang anim na minuto ng first quarter.

--Ads--

Maaga namang nawasak ang lineup ng Mavericks matapos na hindi makapaglaro si Dereck Lively II dahil sa kanyang sprained neck, habang limitado naman ang naging comeback ni Maxi Kleber.

Sinamantala naman ng Minnesota Timberwolves ang sitwasyon at mabilis nilang nalamangan ang Mavericks sa free throw line. Naging matatag din ang kanilang depensa sa pagtiyak na hindi makakaiskor ang Mavericks sa field goals sa apat na minutong overtime sa first quarter.

Gayunpaman ay nagawang makalusot ni Doncic upang iangat ang kanilang iskor na may pitong kalamangan, 27-20, sa unang quarter.

Hindi katulad sa unang quarter ay humina ang depensa ng Timberwolves sa second quarter, kung saan ay nagawang umiskor ng Mavericks ng 20 puntos mila sa 9 na turnovers ng Minnesota na nagsara sa second quarter na may 15-7 run sa panig ng Mavericks bago nag-tie ang parehong koponan sa 49 sa halftime.

Pagdating naman sa third quarter ay sinimulan ng Timberwolves na lamangan ang Mavericks sa 3 hanggang 5 points sa kalakhan ng quarter. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagawa naman ni Daniel Gafford at Jaden Hardy iangat ang Mavericks sa pinagsama nilang 13 points sa 6-of-7 shooting.

Naging kapanapanabik at mainit naman ang fourth quarter matapos ang fast break ng Timberwolves.

Nagtala si Mike Conley ng blocking foul at nakaiskor ng isa mula sa tatlong free throws na naglagay sa Timberwolves sa 103-97. Sa nalalabing 11 na segundo ay umiskor naman si Naz Reid ng 2 points para sa Timberwolves na nagbuhat sa koponan sa kauna-unahan nilang panalo sa season at nagtakda ng isa pang huling laro para sa serye.