BOMBO DAGUPAN – “Sobrang saya at umiyak sa tuwa.”

Yan ang pagbabahagi ni Alla Castro, Top 10 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) Secondary Level matapos malaman na isa siya sa mga topnotchers.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya ay sipag, tiyaga at disiplina lang sa pag-aaral ang kanyang naging sikreto upang makamit ang tinatamasang tagumpay sa ngayon.

--Ads--

Aniya ay napakarami ang nagpaabot ng pagbati sa kanya at maging PSU Lingayen campus kung saan siya nagtapos ng kolehiyo ay sobrang proud sa kanya.

Nasa pamilya na nga nila ang pagiging guro kung saan ang kanyang nanay maging at kanyang kapatid ay kapwa mga guro din. Ito nga daw ang kanyang naging inspirasyon upang pasukin din ang larangan ng edukasyon.

Si Castro nga ang kauna-unahang topnotcher bilang regular student sa Lingayen campus ng Pangasinan State University.