Isa sa Majority 7 Councilor, inilaglag si SK President at Councilor Bryan Benavides matapos ang pagtanggi nitong maipasa ang SK fund

44

DAGUPAN CITY — Nagpahayag ng kalungkutan ang isa sa Majority 7 Councilors na si Councilor Red Erfe Mejia kaugnay sa isyu sa pagpapasa sa pondo ng Sangguniang Kabataan sa lungsod ng Dagupan.

Sa kanyang mensahe sa naganap na regular session para sa ikatlong pagdinig sa nakabinbin na supplemental budget at mga proyekto ng lungsod, sinabi nito na labis ang kanyang pagkagulat matapos na mag-object umano ni Councilor Bradley Benavides, na siyang nagrerepresenta sa mga kabataan at pinagkatiwalaan ng kapwa niya Sangguniang Kabataan Chairman ng kapwa nito SK President, sa SK fund na nakasaad sa supplemental budget na nagkakahalaga ng P15.5 million.

Ito naman ay nangyari umano nang aprubahan nila ang Supplemental Budget 1 ng Dagupan City.

--Ads--

Ikinalulungkot aniya nito kung bakit umano ipinagdadamot ang naturang pondo para sa Sangguniang Kabataan.

Gayunpaman ay ipinagmalaki naman nito na isang magandang bagay na naaprubahan na ng Majority 7 Councilors ang pondo para sa sektor ng Sangguniang Kabataan sa bawat barangay na nagkakahalaga ng P500,000 para sa bawat SK Chairman.

Subalit muli nitong idiniin ang labis nitong pagkadismaya sa lumalabas na hindi pagsuporta umano ni Benavides sa nasabing proyekto batay sa kanilang hawak na mga datos.