Dagupan City – Kumpiyansa ang Federation of Free Workers sa senado na aaprubahan na ang taas sahod sa mga manggagawa.

Ayon kay Atty Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers umaasa ito na maipapasa na talaga sa senado ang matagal nang nakabinbin na taas sahod sa mga mangagawa.

Aniya, isa rin kasi si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na sumusuporta nasabing panukala kung kaya’t gano’n na lamang ang kaniyang pagkatiyak.

--Ads--

Malinaw din kasi sa inilabas na datos noong 1951 na nang tumaas ang sahod ng mga manggagawa ay tumaas din ang ekonomiya sa bansa. Bagay na dapat ikonsidera ng pamahalaan upang matulungang lumago pa ang gross domestic rate ng Pilipinas.

Nanawagan naman ito sa House of Representatives at sa senado na tutukan din ang sektor ng mangaggawa, gaya na lamang ng contractual na siyang nagsisilbing pang-aabuso sa mga hindi regular na trabahador kung saan ay umuusbong ang diskriminasyon.

Mensahe naman nito kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bigyan sanang proteksyon at kalayaan ang mga union na siyang patuloy na nagiging boses ng mga mangagagwa at huwag sanang i-redtag ang mga ito