BOMBO DAGUPAN – “Pabilisin ang proseso ng pagsasabatas ng panukalang dagdag sahod.”
Yan ang binigyang diin ni Jerome Adonis General Secretary, Kilusang Mayo Uno hinggil sa long overdue na panukalang dagdag sahod na hanggang ngayon ay patuloy paring ipinaglalaban ng mga manggagawang Pilipino.
Aniya na ang mga workers ay nanatiling halos hindi kayang buhayin ang kanilang pamilya dahil sobrang layo ng kasalukuyang pasahod sa pangangailangan ng mga family living wage.
Dagdag pa nito na mayroon talagang magagawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pag-apruba ng nasabing panukala gayundin si House Speaker Martin Romualdez, dahil kapag nag-utos lamang aniya ang pangulo ay mabilis itong maaaprubahan.
Kaugnay nito ang nakikita din niyang dahilan kung bakit mabagal ang pagproseso sa nasabing panukala ay una; hindi sumasang-ayon ang mga employers dahil akala nila ay kabawasan ito sa kanilang tubo, pangalawa; ang Department of Labor and Employment ay hindi suportado ang nasabing panukala, pangatlo walang sinasabing kategorikal ang speaker of the house at pang-apat ay left services lamang ang palaging sinasabi ng Pangulo.
Samantala, ang pagtutulak ng iba’t ibang klase ng protesta aniya ay baka maging paraan upang mapressure ang gobyerno at bigyang pansin ang nasabing panukala.