BOMBO DAGUPAN- Nananatiling nakataas sa White Alert Status ang buong Rehiyon Uno sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Aghon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Office of the Civil Defense Region 1 Spokesperson and Public Information Officer Adreanne Pagsolingan, sinabi nito na nakapagsagawa na sila ng preemptive monitoring sa iba’t ibang lalawigan sa Rehiyon.

Aniya na sa kasalukuyan ay nakakapagtala na ang kalakhang rehiyon ng mga bahagya hanggang sa malalakas na mga pag-ulan habang may ilan namang mga lugar na nakakaranas ng pabugso-bugsong mga malalakas na pag-ulan.

--Ads--

Saad pa nito na bagamat wala pa namang anumang lugar sa Rehiyon ang nakakapagtala ng anumang pagbaha bunsod ng mga pag-uulan ay nananatili naman silang nakaantabay lalo sa mga low-lying, flood-prone, at landslide-prone areas.

Pagpapaalala naman ni Pagsolingan, manatiling maging alerto upang maging handa sa anumang emerhensiya.

Kung magpatawag ng evacuation ang mga kinauukulan, mas mabuting sumunod na lamang upang makaiwas sa anumang disgrasya, partikular na sa mga lugar na maaaring magkaroon ng landslide.

Samantala, inaasahan naman aniyang lalabas na ng bansa ang bagyo sa Miyerkules.