Dagupan City – Naging matagumpay ang naging handog na isang medical mission para sa mga residente dito sa bayan ng Tayug sa pangunguna ng Filipino War Veterans Foundation (FILVETS), INC.

Naging katuwang nila dito ang mga opisyal ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) mula sa ika-anim na distrito ng Pangasinan, Philippine Veterans Affairs Office (PVAO)-Pangasinan, Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at Pamahalaang Lokal ng Tayug upang maihatid ng maayos ang mga serbisyong medikal sa mga nangangailangan.

Isinagawa dito ang mga aktibidad tulad ng libre ang pagpapacheck-up, pagkuha ng blood pressure, fasting blood sugar (FBS), at nagbigay din ng mga gamot.Nabahagian din ang ilang pumunta dito ng ilang lamang na mga assistive devices tulad ng wheelchairs.

--Ads--

Kaugnay dito, ipinahayag naman ang mensahe ng Tayug Mayor Tyrone Agabas na kanyang sinuportahan ang mga beterano at lubos ang pasasalamat sa mga nasalikod nito dahil kahit papano ay nakatulong sila sa mga ilang indibidwal dito para mabigyan ng halaga ang kanilang mga kalusugan.

Samantala, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga pensioners na mai-update ang kanilang accounts sa PVAO at Armed Forces of the Philippines Pension and Gratuity Management Center (AFPPGMC) para sa mga benepisyong kanilang natatanggap upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.