Dagupan City – Mga Kabombo! Umiinom ka ba ng beer?

Ano ang magiging reaksyon mo kung malaman mong ang beer na iyong iniinom ay mula pala sa tubig-kanal?

Dahil kasi sa madalas na kakulangan sa tubig, isang kompanya sa Germany ang ginawa na ring beer ang tubig-kanal.

--Ads--

Kung kaya’t ang tanong ng karamihan, ligtas naman kaya itong inumin?

Ayon sa ulat , nilinaw daw ng kompanya na masarap at ligtas itong inumin.

Ayon pa sa naturang kompanya, dumaraan muna ang tubig-kanal sa ilang treatment stage bago ito tuluyang ihalo sa beer. Ginagawa nila ang prosesong ito para matiyak na ligtas itong inumin.

Anila, naisipan nila ang ganitong solusyon dahil sa madalas na water shortage sa kanilang bansa, na dulot ng climate change.

Ipinakikita rin ng kompaniya ang kanilang proseso na puwedeng-puwede na muling gamitin ang wastewater. Ayon pa nga sa ilang nakatikim na nito, masarap ang beer mula sa tubig-kanal. Gayunman, hindi pa ito ibinibenta sa merkado.