BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 22 katao ang nasawi matapos magkaroon ng malaking sunog sa isang games arcade sa Rajkot, Gujarat sa India.
Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga biktima ay mga bata.
Naglunsad na din ng Special Investigation Team si Gujarat Chief Minister Bhupendra Patel habang nagpapatuloy pa rin ang pagtuklas sa pinagmulan ng sunog.
--Ads--
Hirap pa din ang mga otoridad na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga labi na lubhang nasunog.
Pinangangambahan naman nila na maaaring may mga na-trap pang mga biktima dahil sa pagguho ng pinangyarihan.