BOMBO DAGUPAN – Wala parin hanggang sa ngayon ang mga planong insentibo ng Department of Health para sa mga Health Workers sa bansa.
Tinawag na lamang itong health delayed allowance ni Robert Trani Mendoza, President ng Alliance of Health Workers bagkus na health emergency allowance dahil hanggang sa ngayon ay karamihan parin sa kanila ay wala paring natatanggap na insentibo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya aniya ay dapat alam ng nasabing ahensiya kung ilan pang mga health workers ang hindi pa nababayaran upang maibigay na ito. Dahil matagal na nilang hinihintay na mairelease ang nasabing allowance.
Samantala, ay isa sa nakikita niyang dahilan kung bakit delay ang mga allowances ay dahil umano sa problema sa sistema ng DOH kung kaya’t marami parin sa iba pang rehiyon ang hindi pa nakatatanggap.
Kaugnay nito ay nanawagan din siya sa pamahalaan na dapat maipatupad na ang dagdag pasahod sa mga health workers gayundin ang pagbukas sa mga nakabinbin na house bill upang matulungan ang kanilang hanay.
Plano naman ng kanilang grupo na magkaroon ng pagpupulong sa susunod na buwan upang mapag-usapan ang mag isyung kinakaharap nila sa panahong ito kabilang na ang kanilang isinusulong na dagdag pasahod at pagkakaroon ng mass hiring dahil karamihan sa kanila ay halos walang sapat na tulog at pahinga.