BOMBO DAGUPANHindi na kaya pang makipagsabayan pa ng teknolohiya ng bansa upang tugunan ang nararanasang over-fishing.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairperson ng Pamalakaya, nauugnay kase ang pagpapaunlad ng teknolohiya para sa produksyon ng bansa sa pangisdaan.

Naging usapin din sa public consultation ng mga mangingisda sa Zambales ang kakulangan ng tulong na natatanggap nila mula sa BFAR.

--Ads--

Subalit, hindi rin aniya masisisi ang ahensya dahil may limitasyon din ito; iilan lang din ang kanilang mga barko.

Gayunpaman, panawagan nila sa Administrasyong Marcos Jr. na magtayo ng solusyon sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa upang makatulong sa mga mangingisda.

Maghahatid din kase ito ng kaligtasan sa mga mangingisda lalo na kung may papasok sa bagyo sa bansa.

Kaugnay dyan, sa Scarborough Shoal na din kase napapadpad ang mga mangingisda para makahuli ng isda subalit nananatiling nasa tradisyonal pa rin na bangka ang kanilang gamit.