BOMBO DAGUPAN- Kinondena ng defence Ministry ng Taiwan ang drill na isasagawa ng China bilang hindi makatarungan.
Sinimulan na ng China ang 2-days military exercises malapit sa Taiwan bilang umanong malakas na kaparusahan para sa ‘separatist’ act ng nasabing self-ruled island.
Dumating ang drills 3 araw matapos ang inauguration ni President William Lai, na siyang tinaguria ng Beijing na ‘dangerous troublemaker’.
--Ads--
Nakikita kase ng China ang Taiwan bilang isang breakaway province na kalaunan ay mapapailalim sa kotrol ng Beijing, subalit hindi naman ito nakikita ng Taiwan.