BOMBO DAGUPAN- Ang pagseselebra ng National Flag Day sa darating na May 28 hanggang June 12 ay ang extension umano ng Araw ng kalayaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eufemio Agbayani III, Historical Sites Researcher ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), hindi lamang ito piraso ng tela ngunit bitbit nito ang kasaysayan ng Pilipinas sa paglaban ng ating mga ninuno para sa ating kalayaan.

Isa anyang inspirasyon ang pambansang watawat na patuloy iwinawagayway kahit pa patuloy na nahaharap sa pagsubok ang bansa.

--Ads--

Kaya kailangan aniya ito pag ingatan upang maipakita ang respeto at pagmamahal sa bansa.

Kaugnay nito, hindi aniya dapat hinahayaang sumayad sa lapag, masira, at madungisan.

At kung napupunit na ito, dumadaan aniya ito sa cremation ang pagdispose nito upang maiwasang magamit sa maling pamamaraan.

Nakasaad kase sa Republic Act 8491 ang gabay kung paano pangalagaan ito, gayundin sa karampatang kaparusahan sa hindi tamang pagggamit nito.

Subalit, kung makakita ng gutay-gutay na watawat partikular na sa mga opisyal na mga lugar, mas mabuti aniyang ipag-alam muna ito sa mga kinauukulan ng naturang lugar na palitan na ito.

Dagdag pa ni Agbayani, hindi naman otorisado lahat ng mga nagtatahi na gumawa ng watawat ng Pilipinas.

Samantala, pinapahintulutan lamang na ibaliktad ang posisyon ng watawat kung mayroong gyera sa loob ng Pilipinas.