BOMBO DAGUPAN – Inihayag ng Department of Health (DOH) na maliban sa mga nurses ay kulang rin ang Pilipinas ng mga dentista.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ito aniya ang dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan na magbigay ng access sa dental services para sa mga mahihirap.
Sa kasalukuyan ay dalawa lamang aniya ang government-owned dental schools sa bansa, ito ay ang University of the Philippines at Western Visayas State University.
Dagdag pa ni Herbosa na masyadong magastos ang pagtatayo ng dental school dahil milyun-milyong piso ang halaga ng dental equipment tulad ng dental chair.
Bagama’t may mga pribadong dental schools naman sa bansa ay karamihan ng kanilang graduates ay nagta-trabaho sa pribadong sektor.
Dahil dito, iniutos ni Herbosa na muling pag-aralan ang national dental health service law para sa posibleng pagtataas ng sweldo ng government dentists, at ang pagtatatag ng public-private partnership sa Philippine Dental Association.