Dagupan City – Mariing iginiit ni Senate Majority Leader Seantor Francis Tolentino ang napaulat na magiging ‘rubber stamp’ na ang Senado sa ilalim ng bagong liderato ni Senate President Chiz Escudero.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Senate Majority Leader Seantor Francis Tolentino, sinabi nito na mananatili ang batas at konsitusyon sa senado bagay na taliwas sa napaulat na tatalima ang senado sa kung ano na lamang ang utos ng Malacañang.
Ayon kay Tolentino, kung matatandaan ay naunang sinabi ni Escudero na ipapatigil niya ang road-show ng mga pagdinig sa pag-amyenda sa economic provisions para sa Charter Change.
Dagdag pa ang pagiging abogado ng mga ito kung saan ay alam nila ang mga proseso na kinakailangan bago magpasa at mag amiyenda ng batas.
Samantala tiniyak naman ni Tolentino na mananatili si Senator Risa Hontiveros sa kaniyang chairmanship, habang kakatawan naman si Senator Grace Poe sa Department of Finance, at itatakda naman si Zubiri sa Economic Affairs.