BOMBO DAGUPAN – Nakabawi ang Philippine peso laban sa US dollar matapos ang tatlong sunod na trading days na paghina.

Ang local currency ay lumakas ng 21 centavos upang magsara sa P58.06:$1, na siya ring intraday low, mula sa P58.27:$1 noong Martes, na pinakamahina sa loob ng 18 buwan magmula nang magsasa sa P58.275:$1 noong November 8, 2022.

Nauna nang sinabi ng BSP na ang paghina ay nakaayon sa performance ng ibang currencies sa rehiyon, subalit patuloy nitong binabantayan ang merkado at “lalahok” kung kinakailangan.

--Ads--

Samantala, patuloy sa pagbagsak ang local stock market.

Ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) ay bumaba ng 26.44 points upang magsara sa 6,607.22.

Gayundin, ang lahat ng Shares ay bumaba ng 11.82 points sa 3,523.95.