Dagupan City – Magsisilbing daan ang naihalal na bagong senate President na si Senador Chiz Escudero sa pagbilis ng proseso ng majority bills.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa umano’y tuluyang pagbaba sa pwesto ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang Senate President noong Mayo 20, 2024 sa kanyang huling privilege speech bilang lider ng Senado.
Ayon kay Atty.Yusingco, bagama’t nakikitaan ito ng positibong pananaw, gaya na lamang ng pagbibigay daan agad sa self-reliant defense bill, maritime bill, blue economy bill, at iba pang batas, ay kinakaialngan pa rin itong bantayan.
Aniya, lumalabas kasi na nagiging magkalapit na ang senado sa house of representative sa malacañang kung kaya’t malaki ang banta nito sa pagpapasa ng mga negatibong panukala.
Dagdag pa ni Yusingco, maaari ring kulangin na ang isasagawang check imbalance na proseso sa mga isusulong, at ang posibilidad na maging maluwag na ang senado. Hindi tulad aniya ng panahon ni Zubiri na bukas sa imbistigasyon, upang maipakita ang impormasyon sa publiko.
Samantala, nang hindi pa senate president si Escudero ay tutol ito sa Charter Change, kung kaya’t tutukan aniya kung hanggang ngayon ay paninindigan pa niya ito.